whew!tagal ko ng di nagbblog dito ah!ummm mas gs2 ko kasi sa tblog..i mean madami akong pedeng gawin in that blog...well nalimutan ko, iba nga pala ang dapat kong ikwento (nakita ko ulit yung title)..hehe ayun so last wednesday naglaro kami ng badminton ng ate ko tsaka ng tito ko... when we were still on our way (riding a tricycle) bigla ba naman nagbukas ng topic yung ate ko na talagang kinasira ng araw ko...dun sa makakabasa you might say : "kababawan!" pero sakin its a big deal.. ang dami namin pinag-uusapan nun nang biglang mabuksan ang topic na bisyo at mula dun e biglang napunta sa lalaking ehem ehem pinapangarap ko (very highschool)....nakwento ko kac na kapag nagkakatext kami ni @#$%^ e ganito lagi ang nagiging flow ng conversation: Ako: Gandang Gabi!!! (mga 11pm na 'to) @#$%^ : San k galing? Ako: ha? dito lang ako sa bahay, di nmn aq umalis... @#$%^ : aH.kala ko galing ka sa labas o kaya naman ganito: Ako: (magse2d ng luv quote) @#$%^ : lasing? saklap ba? nung minsan nasermunan pa ko sabi mahilig daw akong mag inom at mag gala...chenelin chuva...na dapat daw inaalagaan ko sarili ko...aun... so ito naman si ate nung marinig tinawanan ako sabi sakin : Ate: ayan tignan mo pati si @#$%^ ayaw sa mag-iinom pati yung laging nasa labas...e hndi ka nga magugustuhan nun... Ako: e kac naman... Ate : Naku bata ka pa kung magmahal...di ka pa pede kay @#$%^...ang gusto nun yung pang matagalan. siya yung lalaki na ihahatid ka pag tapos na yung klase mo...ung kapag maagap ang klase mo susunduin ka niya...yung sabay kayong kakain pag lunch.. Ako: e pano nmn pag may lakad ako ksma barkda ko??? (napapaisip na ko nito pra ngang naiiyak pa) Ate: e di magsasabi ka sa kanya tapos sasabihin nia na ok sige pero susunduin kita...tapos pag xa naman may lakad ipapakilala ka sa mga friends niya...oh di ba!! AKo: naku swerte niya pag narendahan niya ako... Ate: e pag ganun ba seseryosohin mo ba? Ako : ....101%! ayun dn yta natigil yung uspan namin ng ate ko...the rest nung papunta dun e katahimikan... diba dun sa uspan namin nabanggit ko na parang naiiyak ako...kasi naman yung pagkakadescribe nung ate ko kay @#$%^ yun yung pangarap kong guy maging si @#$%^ man yun o hindi...ewan ganun nga cguro ang feeling ng walang nagtatagal ng relationship...parang walang naging seryoso sa part ko man o sa kanya.... pagdating namin dun parang gusto ko n ulet umuwi at magkulong sa kwarto...bawat palo ko dun sa shuttle parang gusto kong tumama kay ate (ang bad ko..) habang sinasabi ko sa sarili ko :" langya ka kasi e binanggit mo pa!e di sana di ako naffrustrate ngaun!e di sana di ko nararamdaman yung kahungkagan ng buhay pag-ibig ko!" yung larong badminton lalo ko pang nilaro..akala ko mawawala dun pero lalo lang akong nainis kasi unfair dun sa dalawa kong kasama...buong game mukha akong tanga... baliw ang nag iintay sa pag-ibig....darating din nmn yan..pero putcha naman kelan pa???
|